Monday, April 21, 2008

pangarap

sa mga panaginip ko, hinahanap mo ako

sa paggising ko, nararamdaman kong hinahanap din kita
ako na ang naghahanap sa iyo

lagi tayong naghahanapan, tayong dalawa
nagtataguan

nasanay na tuloy ako sa ganito

baka pag nakita na kita, hindi ko na matandaan
kung paano huminto
kung paano itigil ang pagtatago at paghahanap

dahil malungkot ang kwentong 'to
malungkot at masakit


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
wala lang. words just come sometimes and they don't necessarily mean anything. sometimes i just write them down to remind myself that thoughts like these one entered my consciousness.

No comments: