Saturday, February 12, 2005

Were you the SMARTEST decision we could make?

Sino nga ba ang mas matalino?ang taong boboto sa alam niyang kurakot na? O ang taong boboto sa alam niyang wala pang bahid ng pagkakurakot? Tanggap nalang kasi tayo ng tanggap. Di na natuto.

Ayan. Sana masaya ka na. Presidente ka na. Tuta pa rin ng bansang Amerika. Inuuna pa rin ang pisikal na itsura ng pilipinas habang inaakyat ang tax, presyo ng mga bilihin, at kung anu ano pa na maisipan mo. Mabuhay ang mga nakapagaral! Salamat sa mga taong nagiisip katulad nila, maganda na ang north luzon expressway (WORLDCLASS!!!), priority na ang military, binabayaran natin ang utang nating bilyones na ang halaga, at ang buong Pilipinas ay WOW na WOW na. Pero ang taong bayan ay lumubog sa mas matinding hirap, di man lamang makabili ng pagkain. Pero sa bagay, maganda na ang daan papuntang north, mas importante yun. Salamat rin sa paglimot mo sa kalagayan ng taong-bayan, napaganda mo na ang mga iba't ibang lugar sa Pilipinas. Dinadayo na tayo ng mga taga-labas. Matalino ka nga talaga, naisipan mong takpan nalang ang masidhing kapangitan na bumabalot sa Pilipino. Kapag di natin sila makikita, di rin natin malalaman ang gutom nila, ang hirap nila, ang pagkawala ng kanilang pag-asa. Hindi na makapag-aral ang marami dahil sa laki ng mga budget cuts pero ayos lang yan, napopondohan naman ang militar at ang utang natin ay nababawasan naman ng kahit iilang milyones. Kaya lang, ang taong may sakit ay di makakabayad ng utang sa ospital hangga't di pa siya gumagaling. Akala ko ba ekonomista ka? Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba ang matalino ay boboto sa iyo?


Salamat. Ang katotohanan ay kamatayan.

No comments: